Sunday, May 12, 2013

paano sinisimulan ang Pag-Paalam?


in March 2010, i became part of GMA Network as a creative developer and writer. i remember brainstorming for different shows and was even a part of a group that developed the new format of Party Pilipinas. we developed the concept of a theme-based show, and segments like Sayaw Pilipinas.

during that time, hindi ko na-imagine na magiging totoong parte ako ng show na ito bilang sumasayaw pa kami sa iba.

as i now write the treatment, my last dance treatment for Sayaw Pilipinas para sa finalé episode ng Party Pilipinas, ang sarap balikan how we started three years ago. mula sa literal na hindi ko halos kilala lahat ng mga tao, to not just knowing but really loving all the people na bumubuo ng show na ito--mula sa mga bossing hanggang kina Ate Marge ng catering. ganito pala ang feeling na katulong kang magtapos ng bagay na naging bahagi ka rin ng pagbuo, pagbuhay. it's like taking a bullet The Matrix style, mabagal ang anticipation sa sakit.

i have grown not just as a dancer but as a leader, a choreographer, a part of a team... a family. i can't imagine now kung paano namin magagawa ang maraming endeavors ng *ADDLIB kung hindi kami naging bahagi ng show. kung hindi kami buong Pusong tinanggap at minahal ng mga tao dito.

***

and as i start this week, the final stretch, i'd like to thank all the amazing people i've worked with through Party Pilipinas. our directors, Direk Rommel, Direk Mark, Direk Treb; our mothers/ates, Tita Bang, Ms Mae, Ms Gina; all the writers, Haydee, Ate Mike, Stan, Florence, Yani, Buboy, at marami pa; mga tao sa studio, Kuya Archie, Ate Agnes, Mega, Tess Bomb, Sir James; the musicians, The Opera; the two Pauls of Party Pilipinas, Paul Infante and Paul Chia.

ang mga kapatid kong mananayaw: Manoeuvres, Sexbomb, Max Movement, Seven, Groove Jackz at sa lahat ng mga kapwa kong choreographers, Miggy, Kuya Donald, Kuya Bong, Kuya James, Kuya Reagan (ako lang pala ang babae, teehee). mami-miss ko kayong lahat! sa aming Nanay, Tita Geleen--salamat Tita sa mga aral na binigay ninyo sa akin, at pagtulong sa ADDLIB makarating sa Australia.

sa lahat ng artista ng Party Pilipinas na nagtiwala sa *ADDLIB... lalong-lalo na sa mga Muses namin na nagpapa-inspire sa amin linggo-linggo: French, Julie, Yassi, Wyn, Mayton, Diva, Rochelle, Aira, Vaness at lalong-lalo na sa mga mahal kong marszt: Shin at Kyla... salamat at nakasama ko kayo sa loob ng tatlong taon. YOU ARE MY QUEENS!

sa mga new bessies ko: Daryl Maat and Straw Sisperez--my fellow Unicorns. UNICORNS ARE FOREVER tandaan niyo 'yan!

sa taong linggo-linggo kong kabatuhan ng mga ideas, nakikinig sa mga hinaing hanggang sa mga spiritual issues, hehehe, Ate Georgy! thank you for all the help, dami ko pong natutunan sa inyo. salamat din for letting us know kung may kulang at pag-boost ng morale namin every time. Ms Lally, thank you rin po sa pagmamahal sa amin.

sa kauna-unahang direktor na nagpaiyak sa akin, na nasundan pa ng maraming beses... sa lahat ng pressure, test kung gaano kabilis mag-isip ng adjustments, sa lahat ng mga ideya, sa lahat ng criticism, sa lahat ng pag-push sa amin para sa ikahuhusay pa namin... Direk Rico, maraming-maraming salamat po, kung hindi dahil sa inyo hindi kami magiging part ng Party Pilipinas.

higit sa lahat, gusto kong magpasalamat sa lahat ng nanonood, sumusuporta (kasama na rin ang linggo-linggong bashers) at nagmamahal sa show. hindi ko man kayo kilala lahat, pero kung wala kayo, hindi magtatagal ang show ng tatlong taon. hanggang sa susunod pong pagkakataon na mapapasaya namin kayo!

***

hindi pa naman ito ang katapusan, maraming-marami pang shows na magagawa. alam ko na ilang beses ko pang makakasama ang karamihan sa kanila. ang masakit ay ang maging bahagi ng katapusan ng isang era, ng isang malaking bahagi ng buhay na hindi lang naglagay ng laman sa bulsa, kundi laman sa Puso na kailanman ay hindi mawawala.

PARTY PILIPINAS FOREVER! :-)