paminsan akala mo nasa 'yo na lahat ng kakailanganin mo...
pero paminsan may mga bagay na kahit gaano kaliit, gaano kababaw, sa isang sandali lahat ng inakala mo malalaman mong mali pala.
paminsan gusto mo na lang umupo, tumulala...walang gawin.
paminsan, kung pwede lang wala ka na lang nararamdaman baka sakaling maging mas okay ang lahat.
kasi paminsan kalaban mo pati sarili mo, sinasabi niyang mali ka. pwede pa, laban lang, huwag kang susuko, makinig ka sa payo, kaya mo 'yan.
pero minsan, kahit minsan lang, gusto mong suwayin ang lahat at aminin sa sarili mo na, "putangina, masakit eh, pwedeng umaray?"
ngayon sa akin 'yang minsan.
minsan, isang gabi sabi ko sa sarili ko, "pagod na ako."
pagod na akong umasa, na baka lahat ng sinasabi nila tungkol sa pag-ibig, lahat 'yon kalokohan.
may mga taong pagkapanganak, namamatay na agad...
may mga taong buong buhay eh wala sa tamang isip...
may mga taong namamatay na mahirap, may mga taong namamatay sa isang iglap...
sasabihin nila, "ganon lang talaga ang buhay, 'yun ang tinakda."
eh pano kung may mga taong talagang hindi para sa pag-ibig?
pano kung may mga tao na hindi talaga pwedeng makasama sa demographic ng target market ng Star Cinema?
pano kung isa ako sa mga taong 'yun? pwede ko rin bang sabihin sa sarili ko na, "ganon lang talaga ang buhay, 'yun ang tinakda."
wala lang...gusto ko lang sabihin.
paminsan gusto ko lang maging madrama...
paminsan, gusto ko lang sabihin na, "ayoko na."
No comments:
Post a Comment