nakalimutan ko na yatang mag-blog, so pasensya na sa mga magbabasa, sabog 'yung thoughts ko. i am very emotional tonight.
usapang pagsasayaw.
napansin ko lang na parang nauuso ang mga batang gusto nila na sa isang iglap andun na sila, made na sila. para bang in one year of continuous dancing expert na agad? or 'yung iba, wala na silang delikadesa na pwede na nilang sagut-sagutin 'yung teacher? ang tanda ko na ba? hahaha kasi parang hindi ko na kilala 'yung psyche ng mga batang ito...
haay. i can't help but remember those years na pupunta ako sa rehearsal hall 1 hour before the real call time kasi magwawalis pa ako, magpupunas ng salamin, maglalampaso ng sahig. kapag sinuwerte ka, uutusan ka pang bumili ng miryenda ng kung sinong senyores na dumating ng maaga.
nostalgia. ang dami ko palang paghihirap back then. pero sa judgement ko naman sa sarili ko ngayon, i am not bitter about it? i am actually proud of myself that i was able to do that. in some strange reason na kahit di naman connected sa pagsasayaw, it made me love dancing even more.
totoo 'yung when you work hard for something, mas maa-appreciate mo 'yung value ng rewards niya. when you get something that easy, madali lang din siyang mawawala.
hindi ko na rin alam! hahaha, i just wish that the new generation of upcoming dancers learn the value of hard work and gratitude.
di ko na kayang pahabain pa itong entry ko, dasal ko lang.
;-)
P.S.
maraming salamat sa lahat ng mga naging seniors ko and especially sa mga teachers ko.
the values na naituro ninyo sa akin, i will always treasure it in my heart. utang na loob ko po sa inyo ang pagsasayaw ko! :-)
Always a fan. Cheers to hardwork, patience, and passion! :)
ReplyDeleteand this is why after everything that has happened, I am still and will always be a fan.
ReplyDelete