Wednesday, August 31, 2011

sinong hindi kikiligin sa isang gentleman? siguro yung kapwa niyang Man?

***

i watched ZOMBADINGS 1: Patayin sa Shokot si Remington yesterday. it's a great movie, andami niyang insights sa kabadingan sa Pilipinas. anyway, hindi naman yan ang point ng entry na ito.

nasa Bubble Tea, Tomas Morato ako. lumabas ako ng pinto para magyosi at isulat ang blog, both of mybhands holding something--my iPad, sa kabilang kamay my Double Chocolate Milk Shake. may gwapong mama na nagbukas ng pinto for me...kinilig naman ako.

okay, judge me! hahaha

***

yung pakikipaglaban ng karapatan ng mga bakla, parang lumelevel na rin sa pakikipaglaban ng mga kababaihan para sa social equality. (oh, 'di ba, ambigat lang?)

***

naisip ko lang, kahit na araw-araw pala akong magpanggap na malakas, andun pa rin yung simpleng, masarap din palang may mag-aalaga sayo. or someone na, sa mga simpleng bagay, nagke-care. pagbubuksan ka ng pinto kapag marami kang dala... kasi gentleman siya. lahat tayo, ke babae man, lalake o bading, kailangan natin ng hero once in a while.

***

supposedly may connect lahat ng mga sinabi ko, pero parang wala naman ata. gusto ko lang magkwento. yun lang! :-)

No comments:

Post a Comment