i should be sleeping.
but i can't sleep without letting this out.
*
today, i just found out through twitter we lost a show -- reason not apparent. client just decided to hire another dance company, without any notice, whatsoever.
masakit. nakakagalit. nakakatampo.
now at least i know how it feels kapag sarili mong "ka-team" ang lumaglag sa'yo at nag-import mula sa "kalaban." para akong sinampal ng bonggang-bongga.
naapektuhan ako ng todo. i must admit, may galit during the time i am choreographing a piece. sa isip ko, "mga putangina niyo, wait lang kayo!"
pero wait para saan?
*
last part of my day, ginawa namin 'yung piece for our anniversary spot.
smorgasbord.
bahala na, kung anong pwedeng ilabas, ihain na. pagsama-samahin, pagtahi-tahiin. walang kwento, basta tira ng tira. iniisip ko habang nagcho-choreo, dapat ba may kwento 'yung spot namin? pero bahala na, umabot pa sa point na nagtatalo-talo na kami at 'di nagkakasundo on one specific move.
may galit eh. may inis. parang gusto kong sabihin na, "itong piyesang 'to para sa lahat ng mga taong umaapi sa amin, para sa mga taong mababa ang tingin sa amin."
para sa kanila nga ba? worth it ba sila?
*
wala naman talaga eh, nakakapagod. gusto kong sagutin 'yung sarili ko kaya kailangan kong isulat 'to.
deserve pa ba nilang pag-alayan ng napaka saglit na time na binigay sa amin to perform?
during the meeting, when i was giving pep talk to the team, naluha ako. naalala ko si mama, si Ann Balanon, 'yung mama ni L.A., 'yung ate ni Calvin, 'yung kapatid ni Toni, si Ms Lally. naalala ko si Razel, si May-R... at 'yung mga taong hindi ko naman kilala pero laging nagpo-post sa page ng *ADDLIB. 'yung mga taong mas excited pa sa gagawin namin kesa sa mismong kami na magpe-perform linggo-linggo.
pa'no na sila?
today, kahit pagod ako at nakikita ko na 'yung araw, i wanna sleep by reminding myself AGAIN, why am i dancing. 'yung una kong sagot lagi, i am dancing and i am creating choreography because this is what i love. gusto kong dugtungan na, this is what i do best...and when i say "do" laging may invisible na sentence na naka-parenthesis (doing by inspiring and touching people).
minsan nakakapagod mabuhay para sa iba. lagi ko 'yang naiisip.
pumasok sa isip ko kanina 'yung kantang, "the long and winding road that leads to your door." na kahit baliku-balikoin ko 'yung paano ko i-explain ang buhay, lagi akong nauuwi dun sa nakakaantig at ma-dramang sagot na, mas masarap mabuhay kapag may pinag-aalayan ka. tangina lang 'di ba? mapapamura ka talaga sa amazement over the realization na 'yung simpleng bagay na nagagawa mo, sa kaso ko 'yung pagsasayaw, maraming tao akong napapasaya. linggo-linggo.
mas deserve nilang pag-alayan ng bagong piyesa ng *ADDLIB.
itong sayaw na 'to, para sa inyo po ito... kung hindi kayo naniwala sa amin na kaya namin, wala kami ngayon sa unang taon namin sa show. MAHAL NAMIN KAYO.
awwwww...isipin mo na lang mamajoe na isa kayo sa dahilan kung baket yung nilalait na show dati ay isa ng kapuri puri at kaabang abang linggo linggo..
ReplyDelete