Friday, September 30, 2011

random insecurities

i am a very insecure person... i think i've said that a hundred times already. i know it's something na everyone can't be proud of because it's a sign of weakness. but if there's one thing i can boast about, i'm the type na "yes, i am insecure" pero i don't take it against other people. 'yung tipong i would really go out of my way para manira or whatsoever.

i was born shy. i know a lot of people won't believe me, but i am.

i remember when i was a kid, pipilitin ako ng nanay ko to perform kapag may mga bisita. sobrang hiyang-hiya ako. pero gaganahan lang ako kapag alam kong maraming tao. ayokong nagpe-perform kapag konti lang. i was born shy, but i think i was born to perform. anlabo no?

hindi ko alam kung saan nanggaling 'yun, pero i somehow trained myself to grow up having this feeling na i am a perpetual underdog. lagi akong inaapi, parang sa movies. inaapi, pero hindi ako lalaban the way na lumalaban ang kontrabida. ako 'yung tipo ng tao na lalaban ako, pero mas maganda sa paraan na iba 'yung makakapansin. ayokong maging masyadong pabida, 'yung sakto lang.

i'd rather go to a dark corner and shine alone, than go out there where everyone's trying to outshine each other. i hate the mainstream, but deep inside i am dying to be there. so i'd rather create My mainstream and have everyone follow my lead instead.

***

wala lang ma-blog. ;-)
next time, magkukwento ako about my lovelife-lovelife-an.

Thursday, September 1, 2011

because we're fighting

5:10 in the morning.
i should be sleeping.
but i can't sleep without letting this out.

*

today, i just found out through twitter we lost a show -- reason not apparent. client just decided to hire another dance company, without any notice, whatsoever.
masakit. nakakagalit. nakakatampo.

 now at least i know how it feels kapag sarili mong "ka-team" ang lumaglag sa'yo at nag-import mula sa "kalaban." para akong sinampal ng bonggang-bongga.

naapektuhan ako ng todo. i must admit, may galit during the time i am choreographing a piece. sa isip ko, "mga putangina niyo, wait lang kayo!"

pero wait para saan?

*

last part of my day, ginawa namin 'yung piece for our anniversary spot.

smorgasbord.

bahala na, kung anong pwedeng ilabas, ihain na. pagsama-samahin, pagtahi-tahiin. walang kwento, basta tira ng tira. iniisip ko habang nagcho-choreo, dapat ba may kwento 'yung spot namin? pero bahala na, umabot pa sa point na nagtatalo-talo na kami at 'di nagkakasundo on one specific move.

may galit eh. may inis. parang gusto kong sabihin na, "itong piyesang 'to para sa lahat ng mga taong umaapi sa amin, para sa mga taong mababa ang tingin sa amin."


para sa kanila nga ba? worth it ba sila?

*

wala naman talaga eh, nakakapagod. gusto kong sagutin 'yung sarili ko kaya kailangan kong isulat 'to.
deserve pa ba nilang pag-alayan ng napaka saglit na time na binigay sa amin to perform?

during the meeting, when i was giving pep talk to the team, naluha ako. naalala ko si mama, si Ann Balanon, 'yung mama ni L.A., 'yung ate ni Calvin, 'yung kapatid ni Toni, si Ms Lally. naalala ko si Razel, si May-R... at 'yung mga taong hindi ko naman kilala pero laging nagpo-post sa page ng *ADDLIB. 'yung mga taong mas excited pa sa gagawin namin kesa sa mismong kami na magpe-perform linggo-linggo.

pa'no na sila?

today, kahit pagod ako at nakikita ko na 'yung araw, i wanna sleep by reminding myself AGAIN, why am i dancing. 'yung una kong sagot lagi, i am dancing and i am creating choreography because this is what i love. gusto kong dugtungan na, this is what i do best...and when i say "do" laging may invisible na sentence na naka-parenthesis (doing by inspiring and touching people).

minsan nakakapagod mabuhay para sa iba. lagi ko 'yang naiisip.

pumasok sa isip ko kanina 'yung kantang, "the long and winding road that leads to your door." na kahit baliku-balikoin ko 'yung paano ko i-explain ang buhay, lagi akong nauuwi dun sa nakakaantig at ma-dramang sagot na, mas masarap mabuhay kapag may pinag-aalayan ka. tangina lang 'di ba? mapapamura ka talaga sa amazement over the realization na 'yung simpleng bagay na nagagawa mo, sa kaso ko 'yung pagsasayaw, maraming tao akong napapasaya. linggo-linggo.

mas deserve nilang pag-alayan ng bagong piyesa ng *ADDLIB.

itong sayaw na 'to, para sa inyo po ito... kung hindi kayo naniwala sa amin na kaya namin, wala kami ngayon sa unang taon namin sa show. MAHAL NAMIN KAYO.